Ahas daw: Kilalang aktres pumatol sa may asawang male celebrity

BAKIT kaya ayaw tumigil ng mga kuwentong nag-uugnay sa dalawang kilalang perso-nalidad?

Nagdenay na sila nang ilang beses, ipinaliwanag na ng male persona-lity na magkatrabaho lang sila at wala silang relasyon, pero bakit hanggang ngayon ay ‘yun pa rin ang pinagpipistahan sa mga umpukan?

Tulad na lang nu’ng minsan, habang naghihintay ng anunsiyo ang mga taga-showbiz sa isang coffee shop ay silang dalawa na naman ang paksa, may mga nagsasabing totoong nagkaroon ng ugnayan ang female personality at ang lalaking pamilyado na.

Pati tuloy ang misis ng male personality ay nadadamay sa isyu, mara-ming kuwento tungkol sa kanyang misis, mas nagiging kapani-paniwala tuloy na may kasabay ito sa buhay ng kanyang mister.

“Nakakaawa lang ang girl dahil asang-asa siya na kuwento-kuwento lang ang mga nakararating sa kanya. Malaki kasi ang trust niya sa husband niya. Ang utak niya kasi, e, sarado sa katotohanan na men will always be men.

“Hindi naman ibig sahihing hindi na siya mahal ng mister niya, kaya gumagawa ng ganu’n, nadarang lang siguro dahil may nakahain nang iba sa harapan niya, parang ganu’n lang!” komento ng isang nasa umpukan.

May mga nakakakilala naman sa female personality na nagsasabing mapang-akit talaga ang babaeng ‘yun, wala siyang pakialam kung nakatali na ang guy o ano, basta makikipaglaro lang siya.

“Sabihin na nating napakatapat ng guy sa wife niya, e, paano naman kung talagang teaser ang girl, di ba? E, sila-sila lang naman ang magkakasama, natural na madalas silang magkausap.

“Anything can happen kapag ganu’n. Kaya siguro ayaw silang tantanan ng mga kuwento, may mga nagsasabing totoong may something sa kanilang dalawa.

“Nakakaawa naman ang wife ng guy, sobrang payat na nga niya, e, baka mas ma-ngayayat pa siya nang dahil sa mga kuwento tungkol sa girl at sa husband niya.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, kilalang-kilala n’yo na kung sinu-sino ang mga starring sa kuwentong ito!” pagtatapos ng a-ming source.
q q q
Nakow! Matindi ang ka-laban ngayon ni Cesar Montano! Wala siyang puwedeng pamilian kundi ang manahimik na lang dahil kapag nakipagpalitan siya ng hagupit ng mga salitaan kay Marlene Aguilar ay siguradong sa kangkungan siya pupulutin.
Nakakailang araw pa nga lang ang pagpo-post nito sa social media ng kanyang galit sa aktor at sa tagapamahala sa promosyon ng DOT ay sobra-sobrang upak na ang inaabot niya, paano pa kapag sinagot niya si Aling Marlene, di giyera mundial na ang kauuwian ng kanilang laban?
Si Marlene Aguilar pa? Kahit nga ang CIA ay hinahamon na nito nu’ng hulihin-ikulong ang kanyang anak na si Jason Ivler?
Kahit si Kaka Freddie Aguilar ay hindi pumapatol sa kanyang kapatid, pi-nababayaan lang nitong bumula ang bibig ni Aling Marlene sa galit, hindi kakayanin ni Cesar Montano ang bibig ng umuupak sa kanya nga-yon.
Ayon sa giyererang utol ni Ka Freddie ay nag-ugat ang kanyang galit kay Cesar Montano dahil sa technical rider-sound equipment na ginamit nu’ng nakaraang ASEAN Summit na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran ng Department of Tourism.
Matindi ang mga rebelasyon ni Aling Marlene, na-ngongotong daw si Cesar sa mga suppliers ng ahensiya, kesyo isang call boy raw nu’n ang aktor at pati ang pagpapakamatay ng kanyang anak ay idinamay rin ni Aling Marlene sa kanyang mga atake.
Isa-isa kayang sasagutin ni Cesar Montano ang mga akusasyon ni Ms. Marlene Aguilar, o mas makagaganda kung mananahimik na lang siya?

Read more...