Negros niyanig ng lindol

 Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang Negros Oriental kagabi.
    Naramdaman ang lindol alas-8:36 ng gabi. Ang epicenter nito ay 13 kilometer sa kanluran ng Guihulngan at may lalim na 11 kilometro.
    Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Guihulngan. Intensity II sa Ayungon at Intensity I sa La Castellana at Moses Padilla sa Negros Occidental.
    Walang inaasahang aftershock sa lindol na ito ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Read more...