Marami ng naging BF sino ang makakatuluyan?

Sulat mula Jane ng San Isidro, Cainta, Rizal
Dear Sir Greenfield,
Maraming beses na po akong umibig at nakipag-relasyon ngunit ang pinagtataka ko lagi akong naiiwang luhaan. Bakit po kaya ganon ang experience ko parang sa kanta lang ang peg, kung sino pa ang tapat magmahal siya pa ang laging nawawalan? Sa palagay nyo Sir kaya madalas akong iwanan ng mga naging boyfriend ko dahil hindi na ako virgin? First year high school pa lang kasi ako noon ay minolestiya na ako ng pinsan ko. Sa ganitong kalagayan nang aking love life, anim na ang nagi-ging boyfriend ko pero walang nagtagal, may lalaki pa kayang iibig sa akin nang tapat, pang matagalan at pakakasalan ako? Kung mayroon, kailan kaya siya darating? April 4, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Jane ng Rizal
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos pumangit at nabiyak ang unang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.), mapansin-pansing gumanda, tuwid at naayos naman ang ikalawa (arrow 2.). Ito ay tanda na kung nakaka-anim ka na, sa huli at pang-pitong boyfriend, magtatagumpay ka na at habang buhay na liligaya.
Cartomancy:
King of Spades, Seven of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong kasalukuyan 2017, sa edad mong 27 pataas, sa sandaling umibig kang muli at nagmahal, ang ika-pitong lalaking iibigin mo ang siya mo na rin mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang simple at masayang pamilya.
Itutuloy…

 

Read more...