Pari, sumisiping bago…

ANG karunungan ay di pumapasok sa tampalasan, ni nananatali sa katawang alipin ng kasamaan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Kar 1:1-7; Slm 139:1b-3, 4-6, 7-8, 9-10; Lc 17:1-6) sa kapistahan ni St. Francesca Javier Cabrini.

Karunungan bang matatawag ang ipinakita ng nakalipas na administrasyon at ngayon ay ibig nilang ipadama sa mga nagising sa katotohanan? Binansagang magnanakaw si GMA, gayung di naman pala. Binansagang mamamatay-tao si Digong, gayung si BS Aquino pala ang mamamatay ng SAF sa kanyang pamumuno.

Hindi sasawsaw ang ASEAN sa EJK. Walang pakialam ang ASEAN sa kampanya kontra droga sa North Caloocan at Bulacan. Karaniwan sa sindikato ng droga, sila-sila ang nagpapatayan. Pitas dito, pitas doon. Nakababaliw na ang ubusan ng sindikato sa isa-t-isa, na isisisi sa pulis.

Kunsabagay, Boy Sisi talaga si Aquino kahit noon pa man. Kay GMA isinisi ang lahat. Sa insidente sa Mamasapano, isinisi pa rin niya sa mga pulis ang kapalpakan (at ngayon lang lumutang ang tsismis na ito).

Napakasinungaling ni Justin Trudeau. Noon ipinangako niya na iuuwi niya sa Canada ang kanyang basura dahil kanila naman ito. Sa muli niyang pagbisita, naroon pa rin ang kanyang basura at nangako na naman. May tapang pa itong mag-human rights at EJK. Kung susumahin ang umano’y namatay sa human rights at EJK sa Pinas, mas marami pa rin ang pinatay ng Canadians na katutubo sa kanilang bansa.

Hinihintay na ng North Caloocan at Bulacan ang pagbabalik sa poder ng pulis ang problema sa droga. Sa ilalim ng PDEA, piyesta ang mga adik at tulak. Wala ngang operasyon ang PDEA sa North Caloocan at Bulacan. Hindi na mangingiming mamaril ang tahimik na mamamayan sa ilalim ng doctrine of aggression (batas ng tao) at Cathechism of the Catholic Church 2265 (batas ng Diyos).

Kung ang problema ng Brazil ay kulang sila sa pari (1:10,000), maraming pari ang Diocese of Malolos at Cebu. Sa National Shrine of the Divine Mercy isang pari sa 13,000 kawan; isang misa pa lang yan Sabado’t Linggo. Hindi solusyon ang pagmisahin ang mga may asawa. Mas lalong hindi garantiya na makikinig sa Mabuting Balita (Ebanghelyo) ng mga may asawa ang kawan.

Kung kasalanan sa laman ang problema, may kalalagyan ang pari: sa bilangguan. Ang dating ikatlong pinakamakapangyarihan Cardinal George Pell ay nililitis sa kasong child abuse sa kanyang bansang Australia. Malakas ang ebidensiya sa kanya at naghihintay na ang selda.

Sa Eastern at Orthodox churches, may mga kasalanan din ang married priests. Heto ang isa: sumiping sila sa di nila asawa sa bisperas ng kanilang pagmimisa. At may bali-balitang nangyayari rin yan dito sa mga paring Aglipay. Isang pari sa MIMAROPA ang may anak na babae. Balahura siya, ayon sa bayan. Naligaw lang daw ng landas, anang pari.

Maraming pari ang naligaw ng landas. Sige, ibuyangyang natin sila, hangga’t may katotohanan ang akusasyon. Sige, ireklamo natin sila sa piskalya, kasuhan sa husgado. Hangga’t maaga, kailangan ng simbahan na ihiwalay na ang ipa sa bigas.

PANALANGIN: Gagawin kitang pinakamahina at hahamakin ng lahat. Ikaw ay naging palalo. Obadias 1:2-3.

MULA sa bayan: (0916-5401958): May malaking recruitment at pagsasanay sa Zamboang peninsula, composed of Christian critics, Muslim at Subanon. Ang supplier ng armas ay isang matandang politiko. EFB …0821.

Biglang tumaas ang presyo ng sigarilyo. Hindi naman kami mayaman. Labor lang. …1677 ng Barangay Tabon, Bislig City

Read more...