Pinababa naman ang mahigit sa 100 pasahero ng naiwang bagon at naglakad pabalik sa istasyon.
Ayon sa mga pasahero, binabagtas ng tren ang pagitan ng Ayala at Buendia station ng biglang kumalas ang huling bagon ng tren habang nagtuloy ang dalawang unang bagon nito.
Dahil dito ay kinansela ang operasyon ng MRT mula Shaw Boulevard hanggang sa Taft Avenue station kaya napilitang bumaba ng istasyon ang mga pasahero at naghanap ng ibang masasakyan.
Tuloy naman ang biyahe mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station alas-9:03 ng umaga.
Nagbalik naman sa normal ang operasyon ng MRT alas-9:30 ng umaga.
Bago ito, nagkaroon ng technical problem ang isang tren sa Quezon Avenue station alas-8:57 ng umaga kaya pinababa ang mga pasahero roon.
MOST READ
LATEST STORIES