Dennis, Jennylyn ‘sisid-sisid’ muna pag may time

SISID-SISID muna pag may time ang lovers na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Cheesy ang picture ng dalawa sa ibabaw ng motorized banca habang ninanamnam ang maaliwalas na langit.

Samantala, pumasyal naman sa Switzerland si Derek Ramsay para sa 70th birthday ng ina. Lamig-lamigan ang feeling niya sa photos sa kanyang Instagram nitong nakaraang araw.

Tapos na rin kasi sina Jen at Derek ng shooting ng 2017 MMFF entry nilang “All Of You.” Panalo ang poster nito na puzzle ang konsepto.

Sa festival entry ng dalawa after ng blockbuster nilang “English Only, Please,” may special participation sina Sam Milby, Rafael Rosell and yes, si Solenn Heussaff na former girlfriend ni Derek. Huli silang nagsama sa hit movie na “Love Is Blind” ng Regal Entertainment.

Mula sa direksyon ni Dan Villegas ang “All Of You” na siya ring nagdirek ng “English Only Please”.

Read more...