Horoscope June 18, 2013 | Bandera

Horoscope June 18, 2013

Madam Sophia - June 18, 2013 - 01:19 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil birthday mo naman, magsuot ng kulay na red. Sa pamamagitan ng nasabing kulay,  maraming salapi ang matatanggap at sa pag-ibig, muling magiinit ang relasyon – masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 3, 12, 27, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –            Iwasang magyabang upang hindi maantala ang tagumpay. Tandaan ang lihim ng pagyaman: “hindi dapat ipagsabi na marami ka ng pera.”  Sa pag-ibig, i-secret ring mabuti ang nakakikilig na relasyon. Mapalad ang 6, 18, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Beige at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)           – Sa produktong pagkain kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paghandaan ang susunod na pakikipag-date sa kasuyo, higit na romantiko at masarap na suyuan ang mararanasan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.”  Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –               Upang yumaman hindi baling maliit ang kita, ang mahalaga kahit maliit ang kinikita matuto kang mag ipon.  Sa pag-ibig, isang Libra ang lihim na nagnanasa sayo. Mapalad ang 4, 10, 25, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Pink at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)                 – Sa araw na ito higit sa inaasahan ang makakamit! Sa pinansyal, biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama sayo ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Lilac at purple ang buenas
Leo –(July 23 – August 22)-               ‘Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan. May mangungutang, pagkatapos ay hindi na naman magbabayad. Sa pinansyal, isipin ng sampong beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 1, 13, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)            – Sobrang busy ang araw na ito. Ganon paman, dalawa lang ang dapat mong unahing gawin: ang tungkol sa pag-ibig at pagkakaperahan! Iwas muna sa mga bagay na walang kaugnayan sa salapi at relasyon. Sa ganyang paraan, tuloy ang tagumpay! Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 34, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ananda-Magra.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)             – Malaking sopresa ang darating na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Sa salapi, malaking halaga ng pera ang matatanggap. Sa pag-ibig, masarap na romansa ang malalasap. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Silver  at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –           Upang magtagumpay magpatangay lang sa gusto ng lipunan,  kapag ganyan  mas maraming salapi ang kitain. Sa pag-ibig, imbis na kontrahin ang kasuyo, sumang-ayon ka sa kanya, upang maiwasan ang pagtatalo. Mapalad ang 4, 16, 22, 31, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Visnu-Purana-Om.” Peach at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –             Sa pag-ibig kunin ang atensyon ng minamahal, kantahan siya ng Gwiyomi. Sa ganyang paraan muling iinit ang relasyon. Mapalad ang 3, 12, 22, 27, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kaliguya-Devah-Om.”  Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)       – Dapat lang na paligayahin mo ang iyong sarili hindi yong puro ibang tao ang iniintindi mo. Bilin ang isang bagay na nuon mo pa pangarap na magkaroon. Sa pag-ibig, wag ng magdalawang isip sunggaba agad ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 7, 19, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Padhani-Om.” Green at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –             Kung talagang mahal mo ang iyong kasuyo hindi mo siya dapat bigyan ng sama ng loob! Sa pag-ibig at pinansyal, kung lagi kayong magkasundo ng iyong minamahal, mas maraming biyaya ang darating. Mapalad ang 4, 18, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Obre-Aum-Timbre.” Magenta at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)          – Laging i-priority ang pamilya at career, sa ganyang paraan magtatagumpay ka at magiging maligaya. Sa pag-ibig may kalituhan na namang magaganap, kung sino ang dapat piliin – sa isang Cancer ka higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 9, 14, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Tetra.” Blue at white  ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending