Braso ng MRT rider naikabit na

NAIKABIT ng mga doktor ang naputol na braso ng 24-anyos na babae na nahulog sa riles ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) Martes ng hapon.
Ani Transportation Undersecretary Cesar Chavez, oobserbahan si Angeline Fernando hanggang Biyernes matapos ang isinagawang operasyon kaninang umaga.
Naputol ang braso ni Fernando matapos mahulog sa pagitan ng pangalawa at pangatlong bagon sa northbound platform sa Ayala station.
Ayon sa mga magulang ni Fernando, bago ang aksidente ay nakakaranas na ang anak ng pagkahilo, lalo na kapag maraming tao.
Nangako si Chavez na sasagutin ng MRT-3 ang lahat ng gastos ni Fernando sa ospital.

Read more...