Sulat mula kay Rowena ng kahayag, Bislig City
Dear Sir Greenfield,
Hindi gumagaling ang sakit ng aking anak at pabalik-balik ang kirot sa kanyang likod at tiyan. Pinatingnan ko na siya sa doctor at may pinainom sa kanya. Pansamantalang nawala ang sakit pero bumalik uli ito, kaya sa albularyo ko naman siya pinatingnan. Ang sabi ay nakulam daw ang anak ko. Kaya kailangan daw palayasin ang mangkukulam na iyon na nanakit sa anak ko. Hindi naniniwala ang mister ko sa sinasabi ng albularyo kaya madalas kaming mag-away. Sabi ng mister ko, muli ko na lang daw patingnan sa doctor ang anak namin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Sundin ko ang sinasabi ng albularyo para hindi na sumakit ang tiyan at likod ng anak ko o sundin ang sinasabi ng mister ko na patingnan ko na lang uli sa doctor ang anak namin? Sir Greenfield, puwede po bang tingnan kung napano talaga ang anak namin upang hindi na magulo ang isipan ko?
Umaasa,
Rowena ng kahayag, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Ayon sa ipinadala mong photo copy ng palad ng anak mo, maganda at malinaw naman ang kanyang Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin anuman ang sakit ng anak mo ngayon bale wala yan. Darating ang panahon kusa ring gagaling kahit hindi mo ipagamot. Maaari kasing “kabag lang o bulate” ang nagpapasakit sa tiyan ng anak mo.
Cartomancy:
“Wag mo nang patingnan kung kani-kaninong albularyo ang iyong anak dahil maaaring iyan pa ang kanyang ikapahamak” – ang nais sabihin ng King of Spades, at Six of Spades, habang ang Four of Hearts ay nagsasabing, tapalan mo na lang ng dahong pito-pito na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo ang tiyan ang anak mo, makikita mo kapag nagawa mo iyon kusang bubuti ang kanyang kalagayan – mawawala na ang pananakit ng kanyang likod at tiyan.
Itutuloy