SUPER successful naman ang ginanap na live telethon ng ABS-CBN na #ParasaMarawi noong Linggo na nag-umpisa sa ASAP (until midnight), dahil halos lahat ng mga Kapamilya artists ay present.
Bukod sa magagandang mga kanta at dance number sa programa, marami rin ang personal na sumali sa telethon lalo na ‘yung mga tumatanggap ng tawag for pledges and donations para sa muling pagbangon ng Marawi City.
Lutang na lutang ang mga host na sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga at Pia Wurtzbach, lalo na ang huli na tila nahahasa na rin sa hosting.
Number one talaga sa mga ganitong advocacy o pagtulong ang ABS-CBN dahil ini-involve nga nila ang kanilang mga artists and talents.
Kaya naman napakadali ring magbigay ng mga may bukas na puso dahil treated sila with special care at nabibigyan pa ng world-class show.
q q q
Pero teka lang, sino kaya ang tinutukoy sa blind item about this “newbie” sa broadcasting industry na may kung anong “mahika” raw na ginamit para maihilera agad ang sarili sa ilang most respected colleagues niya?
Hindi lang daw literal na nilampasan at na-bypass nitong alleged ordinary looking female celebrity ang mga mas nauna sa kanya, kundi kinabog pa nito pagdating sa mga “noteworthy endeavors.”
Matagal na raw na natsitsismis na “bata” si female personality ng isang super influential executive, pero mas nakakaloka ang tsismis na diumano’y namamangka raw ito sa dalawang ilog.
Ang dalawang super influential na tumutulong (read: protector) daw sa karir ni female personality ay isang matandang top executive na hiwalay sa asawa at siyang pinuno ng isang napakalaking departamento at isang member ng LGBT community na very silent ang pagpapakita ng powers sa network and yet, so felt and tested lalo na sa mga babaeng ayaw matawag na tibo!
Intriguing, huh!!!