Kapamilya actress gustong ligawan ni Christian Bables

MATIPID si Christian Bables sa pagbibigay ng clue tungkol sa Kapamilya star na gusto niyang ligawan.

Pagkakita pa lang daw niya du’n sa girl, na-feel niya agad na type na type niya ito.

Limang taon daw ang tanda niya sa girl and this is the first time na nagkagusto siya sa mas bata sa kanya.

Nakatrabaho na kasi siya ni Christian sa isa sa mga pelikula niya. And now, magkasama sila sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN sa unit ni Direk Ruel Bayani na Love Will Lead You Back.

May naganap na rin daw na “meet-the-parents” nu’ng girl si Christian, “Mababait din sila. Pero secret na lang. Malalaman din ninyo ‘yun. Pero huwag muna nating sabihin kasi baka maudlot,” sabi ni Christian nu’ng makausap namin siya sa grand opening ng bagong ABS-CBN/Star Cinema theater sa Citymall sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Later on, sinabi ni Christian na nagsisimula sa letter “V” ang apelyido nu’ng Star Magic talent. Inisa-isa namin ang names sa listahan ng talent ng Star Magic na may “V” at ang nagpi-fit sa lahat ay si Michelle Vito.

Nakasama rin kasi niya si Michelle sa “Die Beautiful”.

Samantala, nagulat kami kay Christian nu’ng kumanta siya ng “Let Be The One” sa opening ng Citymall Cinema sa Sta. Rosa, Nueva Ecija. Bukod sa pagiging mahusay na aktor, maganda rin pala ang boses niya, huh!

After ng ribbon cutting, ipinalabas ang horror blockbuster film ng Star Cinema na “The Ghost Bride” directed by Chito Roño starring Kim Chiu with Christian and Cacai Bautista.

Kasamang nagpasaya sa grand opening ng Citymall, Sta. Rosa, Nueva Ecija sina Christian at Cacai with Sta. Rosa Mayor Marita Angeles.

Read more...