PATULOY ang dasal ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na makalaya na ang kanyang mister at dating Senador na si Bong Revilla, Jr. bago sumapit ang Pasko.
Wish ni Lani: Makalaya na si Bong para hindi na iyakan ang ‘Pasko Na Sinta Ko’
Hopefully, hindi na iiyak si Mayor Lani kapag narinig niyang muli ang kantang “Pasko Na Sinta Ko”.
Instead, “I’ll Be Home For Christmas” na raw ang kakantahin ni former Sen. Bong sa kanya at sa kanilang mga anak.
Last time na bumisita ang ilang malalapit na members of the press kay Sen. Bong, mapalad kami na mapabilang sa grupo para makita at makumusta siya nang personal sa loob ng PNP Custodial Center.
Masigla, masaya at punung-puno ng pag-asa ang namasdan namin sa aura at galaw ng dating senador.
Bagaman he’s sporting a new look daw with his konting balbas, ‘di maitatago nito ang saya na kanyang nararamdaman kahit nga nag-iisa na lang siya du’n dahil nakalaya na ang dati niyang kasama na si Sen. Jinggoy Estrada.
Say niya sa amin, maigi na raw na naunang nakalabas sa kanya doon si Sen. Jinggoy. Kasi kung siya raw ang unang nakalaya at naiwan doon ang kaibigan, baka hindi nito kayanin ang lungkot at pangungulila.
Unlike him, pinalalakas siya ng kanyang faith sa Diyos at pagmamahal ng kanyang pamilya. Kahit na nga halos araw-araw din naman siyang dinadalaw doon ng kanyang asawa’t anak, he still urges his children to go on with their normal, do their own thing and move on.
“Sabi ko sa kanila, tuloy n’yo lang ang buhay ninyo. Hindi dapat tumigil ‘yan dahil sa akin. Huwag kayong mag-alala sa akin. Prove to them na mali ang iniisip nila about me, about us,” pahayag ni Sen. Bong. At ‘yun naman daw ang ginagawa ni Mayor Lani at ng kanilang mga anak.
In fact, kasalukuyang nag-aaral sa Amerika ang bunsong anak nila na si Ram na patapos na sa first year sa kursong AB Business Administration kasama ang dalawang pinsan.
Third year naman sa Ateneo University sa kursong AB Life Sciences si Lourdes Bernadette na nag-celebrate ng birthday kamakailan. After this, plano ni Loudette na kumuha rin ng kurso sa pagdodoktor.
At si Gianna naman ay nagtapos na sa kanyang kursong HR sa College of Saint Benilde.
Ang panganay naman nilang si Brian ay passionate sa kanyang bagong faith at may sarili na ring business.
And of course, busy naman si Jolo Revilla sa kanyang duties and responsibilities bilang Vice-Governor ng Cavite City.
See, life really goes on sa pamilya ni Sen. Bong and Mayor Lani. Kaya imbes na malungkot kami sa kalagayan niya, mas na-encourage pa niya kami to be more appreciative sa mga bagay na meron kami at maging inspirado to be at our best to achieve things na wala sa amin.