Marian, Dingdong, Alden, Ai Ai, Ruru winner sa Star Awards For TV

MOMENTOUS  event para kay Marian Rivera ang maimbitahan sa ginanap na welcome dinner ng leaders ng Cambodia at Myanmar na dumating sa bansa last Saturday para sa ASEAN Summit.

Magkasama sina Yan at Dingdong Dantes na dumalo sa dinner na ‘yon na may picture pang kasama si Hun Sen, ang Prime Minister ng Cambodia.

“Isang pribilehiyo ang maimbitahan kagabi sa welcome dinner ng state leaders ng Myanmar at Cambodia na andito para sa ASEAN Summit.

“Higit lalo ang aking saya dahil personal akong nakapagpasalamat sa Prime Minister ng Cambodia, si Hun Sen, sa pagtangkilik ng kanyang kababayan sa mga GMA shows ko na ipinapakita doon. Nakaka-proud maging Pinoy sa mga pagkakataong ganito, lalo na ang maging isang Kapuso,” caption ni Marian.

Isang karangalan ang natanggap ni Marian nu’ng Linggo nang tanghalin siyang Best Female TV host sa nakaraang Star Awards for TV. Panalo rin si Dong bilang Best Actor dahil sa kanyang performance sa Alyas Robin Hood ka-tie si Ruru Madrid para naman sa Encantadia.

Panalo rin si Ai Ai delas Alas bilang Best Comedy Actress at si Alden Richards bilang Best Actor in a Single Performance sa Lenten special ng Eat Bulaga.

Read more...