‘A Christmas Carol’ ng GlobeLive, 9Works para sa mga naulilang anak ng sundalong Pilipino


PARA sa mga Pinoy, ang Pasko ay isa sa mga pinakamasaya, pinakamaingay at pinakamakulay na okasyon sa buong taon. Naging tradisyon na rin para sa ilang pamilyang Pilipino ang mamasyal sa mismong araw ng Pasko, sa theme parks, karnabal at malls para mag-relax at maka-bonding ang family.

Ngayong Christmas 2017, may madaragdagan na naman sa mga mapapasyalan ang mga Pinoy. Mula unang araw ng Disyembre, itatanghal sa Globe Iconic Theater, BGC, ang isa sa mga klasikong kwentong-Pasko, ang “A Christmas Carol”, isang musical play na kapupulutan ng aral hindi lang ng mga kabataan kundi ng lahat ng miyembro ng pamilya.

Hango sa panulat ni Charles Dickens, ang “A Christmas Carol” ay tungkol kay Ebenezer Scrooge, isang kuripot at maramot na tao. Galit siya sa Pasko, pero biglang nagbago ang kanyang pananaw dito nang bisitahin siya ng mga multo ng Christmas Past, Christmas Present at Christmas Future.

Ikalawang kolaborasyon na ito ng Globe LIVE at ng 9Works Theatricals. Ang makulay na produksyon ay ipinalabas na nila last year, at naka-attract ng maraming mga pamilya. Dahil dito, napagdesisyunan ng Globe at 9Works na itanghal muli ang sikat na musical.

Sa muling pagtatanghal ng “A Christmas Carol”, may mga bagong tauhang idadagdag, tulad ni Franco Laurel, na gaganap sa papel na multo ng Christmas Past. Babalik din ang dating mga artista tulad ni Miguel Faustman na muling gaganap na Scrooge.
Layunin ng Globe LIVE ang maghatid ng tuwa at mga masayang bonding moments sa mga Globe

customers at kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko. Bukod dito, hangarin din ng Globe at 9Works Theatrical na ipalaganap ang pagmamahal sa sining ng teatro sa mga Pilipino.

Hinihikayat ni Joe Caliro, Globe Head for Creative Marketing and Multi-Media Services at executive producer ng “A Christmas Carol”, ang mga pamilyang Pinoy na isama sa kanilang tradisyon sa Pasko ang panonood ng mga dula at musical dahil sa mga aral na mapupulot dito.

“It also teaches us the valuable lesson of giving, which is what the season is all about. With the successful musical presentation that we had last year, we wanted to offer our production as a new Filipino holiday tradition that families can enjoy,” ani Caliro.

Mas makabuluhan din ang “A Christmas Carol” ngayong taon dahil sa suporta ng Globe LIVE sa HERO Foundation sa pamamagitan ng “Wall of Miracles”. Ang “Wall of Miracles” ay makikita sa bawat palabas at inaanyayahan ang bawat manonood na magsabit ng Christmas ornaments na mabibili sa Globe ICONIC Theater.

Ang kubuuan ng kita kabilang ang karagdagang donasyon galing sa Globe LIVE ay mapupunta sa mga iskolar ng HERO Foundation, isang organisasyon na sumusuporta sa pag-aaral ng mga naulilang anak ng mga Pilipinong sundalo.

Ang “A Christmas Carol” ay itatanghal mula Dec. 7 to 10, 14 to 17, 21 to 22 and 25 to 27 sa Globe ICONIC Theater. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa HYPERLINK “https://glbe.co/acc-tix” \t “_blank” https://glbe.co/acc-tix.

Read more...