BUWISIT na buwisit ang marami sa aktres at former beauty queen na si Maria Isabel Lopez dahil sa ginawa nitong pagdaan sa lane na itinakda para sa mga delegado ng 31st Association of Southeast Asian Nations (Asean).
Sa kanyang Facebook post Sabado ng gabi, tila ipinagyabang pa ni Lopez ang ginawang pagtanggal niya sa mga divider cones na naghahati sa special lane, at saka dumaan dito na naka-hazard ang kanyang signal.
Nagsisunuran naman ang mga nasa likuran niya, ayon pa sa aktres sa kanyang post, at sinabi pa na ang akala diumano ng mga MMDA ay opisyal na delegado siya ng ASEAN.
“Driving with hazards “on” at the #aseanlane I removed the divider cones !! Then all the other motorists behind me followed! MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate! If u can’t beat ‘em, join them! #nosticker#leadership #belikemaria #pasaway #selfpreservation,” pahayag ni Lopez.
Kinainisan naman ng maramiang post niya sa Facebook, at sinabi na wala siyang disiplina at bad example sa marami.
Umabot na sa mahigit sa 700 ang share ng kanyang post.