Trudeau dumating na sa PH para sa Asean

DUMATING na sa bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau para dumalo sa 31st Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits.
Lumapag ang eroplano ni Trudeau sa Clark International Airport ganap na ala-1:43 ng hapon.
Sinalubong siya ni Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña.
Kabilang si Trudeau sa 21 lider ng iba’t ibang bansa na dadalo sa Asean.
Nakilala si Trudeau bilang isa sa mga “Apec hotties” matapos dumalo sa Asia Pacific Economic Conference (Apec) sa Pilipinas noong 2015.

Read more...