HANGGANG ngayon pala ay buung-buo pa rin sa puso ng isang female personality na nagkaroon sila ng relasyon ng isang tisoy na aktor. Maraming nag-akala na bumitiw na sa kanyang ilusyon ang babae nang linawin ng aktor na wala, wala, wala pero patuloy pa rin siya sa pagpapakalat ng kuwentong meron, meron, meron.
Kung sino ang kapani-paniwala sa kanilang dalawa ay sila lang ang nakakaalam, pero hinuhusgahan ng mas nakararami ang babae, hindi raw naman kasi siya na lang ang nag-iisang babae sa mundo para patulan ng tisoy na aktor.
Kuwento ng isang source, “Kapag nagkukuwento nga siya tungkol sa past daw nila nu’ng tisoy na male personality, e, nakatingin na lang sa kisame ang mga kausap niya.
“Mahina ang pakiramdam niya, ang ibig sabihin nu’n, e, walang naniniwala sa mga kuda niya, ilusyon lang ‘yun, kaya tumitingala na lang ang mga kinukuwentuhan niya.
“Nakakaloka siya, inire-relate niya ang ex kuno niya sa lahat ng bagay. Kapag kumakain na sila ng mga kasama niya, e, bigla niyang sasabihin, ‘Nakakainis naman! Ito ang favorite food ni ____ (pangalan ng tisoy na aktor), ito ang palagi niyang kinakain kapag magkasama kami!’
“Kapag nagpunta sila sa isang coffee shop, e, aariba na naman ang lukayda! Ang sasabihin niya, ‘Ano ba!!! Dito rin kami madalas na mag-bonding nu’n!’
“At heto na ang the height, nu’ng minsang mag-shopping sila ng mga friends niya, ang kuda niya naman, ‘Naku, dito rin kami madalas magpunta nu’n! Dito ko siya ibinibili ng mga favorite stuff niya!’
“So, ano ang drama niya sa relasyon kuno nila nu’ng tisoy na aktor, azucarera de mama siya, kasi, siya pala ang bumibili ng mga kagamitan nu’ng guy? So, nireregaluhan pala niya palagi ang lalaki, ganu’n, para lang sila magkasama sa mga lakaran?
“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, ang tagal-tagal na nga siyang idenedenay nu’ng lalaki, pero hanggang ngayon naniniwala pa rin siyang naging sila?
“Ano ba namang kahibangan itey? Hindi na nga kapani-paniwalang papatulan siya ng guy, pero ipinagpipilitan pa rin niya ‘yun hanggang ngayon?
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, puwede ba, ipatawas n’yo nga ang babaeng ‘yan para hindi siya nag-iilusyon at nagpapaka-TH sa pagkukuwento na naging sila nu’ng mestisong aktor!” napapailing na lang na pagsasarado ng aming impormante sa kuwentong kababalaghan ng babaeng personalidad.