ISINAPUBLIKO na ang ilang pasilip sa magaganap na kasal nina Erwan Heussaff at Anne Curtis ngayong araw sa Queenstown, New Zealand.
Naglabas si Ogie Alcasid ng photo nina Erwan at Anne sa kanyang Instagram na kuha sa naganap na “welcome party” kahapon. Nilagyan niya ito ng caption na, “Congratulations and best wishes. God bless you both! @annecurtissmith @erwan.”
Ayon naman sa posts ni Robbie Pinera na make up artist ni Anne, suot ng bride ang gown na gawa ng international designer na si Vera Wang. Brown suit naman ang suot ni Erwan.
Ilan pa sa mga celebrities na lumipad patungong NZ para dumalo sa kasalang Erwan-Anne ay sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Kim Atienza. Nandoon din sina Angel Locsin at Neil Arce, Nico Bolzico at Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Dra. Vicki Belo, Hayden Kho at anak na si Scarlet.
Kung gusto ninyong makita ang iba pang ganap sa Heussaff-Curtis nuptials, silipin ninyo ang account name na @annecurtis008. Best wishes, Erwan and Anne!
q q q
Birthday naman kahapon ni Ai Ai de las Alas. Naglabas siya ng isang video na may collage ng pictures kasama ang mga anak na sina Sancho, Niki, Sophia at ang adoptive mother niya. May special part ang red roses na bigay ng darling niyang si Gerald Sibayan with matching background music na “I Am What I Am.”
“AI M WHAT AI M. THANK YOU GOD for the gift of life, thank you for the gift of wonderful people I have met along the journey…all of them helped me to realize how meaningful and beautiful my life is..
“THANK YOU GOD you brought me into the world with a purpose to live share and be happy.”
Next month, Dec. 12, officially Mrs. Gerald Sibayan na si Ai Ai. Happy, happy birthday, Reyna!