BALIK sa Wansapanataym ang magka-loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona. Sila ang bibida sa bagong episode na “Jasmin’s Flower Powers” simula ngayong Linggo sa ABS-CBN.
Alamin ang kwento ni Jasmin (Janella) na isang dalagang ulila na nahiwalay sa kanyang kapatid na si Daisy (Heaven Peralejo) matapos mamatay ang kanilang mga magulang na sina Dahlia (Bernadette Allison) at Oscar (John Medina).
Magdadala naman ng kasiyahan kay Jasmin si Thor (Elmo), ang customer ng kanilang flower farm na kanyang ring kasintahan.
Ngunit paghihiwalayin sila ng ina ng binata at pilit na tatakutin upang hindi ituloy ang kanilang pagmamahalan.
Sa kanilang paghihiwalay, muli namang magtatagpo ang landas ni Jasmin at ng kanyang kapatid na si Daisy. Dito mag-uumpisang magbago ang kanilang mga buhay sa pagtupad ng isang misyon na muling bubuo sa watak-watak nilang pamilya.
Isang flower fairy ang magpapakita kay Jasmin at magsisiwalat sa tunay na kinahinatnan ng kanyang mga magulang. Parehong isinumpa ang dalawa dahil sa pang-aabuso nila sa kapangyarihan ng mahiwagang buto ng halaman, na dahilan din ng pagkamatay ni Oscar at pagkakulong sa loob ng mahiwagang bulaklak ni Dahlia.
Upang maligtas ang ina, pagkakalooban ang magkapatid ng tig-isang itim na buto ng halaman na kailangang maging purong puti upang makapasok sa lugar ng mga diwata.
Ngunit hindi ito magiging madali, dahil hindi tulad ni Jasmin, puno ng poot ang puso ni Daisy dahil na rin sa masamang karanasan niya sa mga taong kumupkop sa kanya, dahilan para manatiling itim ang hawak niyang mahiwagang buto.
Paano nga ba matutulungan ni Jasmin si Daisy na alisin ang galit nito sa kanyang puso? Mailigtas pa kaya nila ang kanilang ina?
Kasama rin sa Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers sina Rufa Mae Quinto, Francis Magundayao, Rommel Padilla, Almira Muhlach, Lui Villaruz, Bernadette Allison, John Medina, Neil Coleta, Arlene Muhlach at Jai Agpangan.
MALAKAS pa rin ang impluwensiya ni Kris Aquino sa mga followers niya sa social media kaya naman bawa’t post niya ay talagang umaani ng mga positibong komento.
Ilang taon na rin siyang hindi napapanood sa TV pero hindi pa rin nabawasan ang kanyang mga product endorsements, sa katunayan ay nadagdagan pa nga ang mga kumpanyang nagtitiwala sa kanya.
Napanatili ni Kris ang pagiging influencer niya kaya naman siya pa rin ang itinuturing na Queen of Endorsements. Kamakailan ay nakatanggap siya ng Bronze award mula sa Berlin Native Advertising Awards for Best Influencer 2017.
Base sa post ni Kris, “It all started because I had to find a way, network tv was no longer open to me. I researched & knew that going online was an avenue I could try.
“With a brand new team, we knocked on doors- @nbsalert was 1 of our 1st believers. Thank You God for this blessing! We’re back home & I saw a message from 1 of my life’s heaven sent angels, @xandraramos.
“To all of you who could now be where I was at the start of 2017, questioning the how comes & the-what Ifs- take it from me: JKP- Just Keep Praying! Surround yourself w/ creative, positive, hardworking, loyal people, and don’t lose faith because as promised in Jeremiah 29:11 ‘For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
“In all my years of working on tv & film- this is my first European recognition. It is all the more meaningful because it was a digital production done by our KCAP team w/ guidance from Huddle Room & it was a shoot I did w/ my bunso. Good night from a very grateful believer in God’s wondrous ways,” sey pa ng Queen of All Media.