Heart, Alexander feeling ‘guilty’, nag-sorry kay Sen. Chiz

HEART EVANGELISTA AT ALEXANDER LEE

NAG-ALALA ang followers ni Heart Evangelista para sa asawa niyang si Sen. Chiz Escudero dahil sa lambingan moments nila ni Alexander Lee sa seryeng My Korean Jagiya.

Humingi naman ng apologies sa kani-kanilang Instagram account sina Heart at Xander tungkol dito na apektadong baka nagkakasala na sila sa senador dahil sa ginagawa nila. May kasama namang aliw ang kasunod na photo ng dalawa kung saan nakasandal ang Kapuso Sweetheart sa Korean actor habang tumatawa.

Naaaliw din kasi ang mga bida sa gestures ng followers nila. Hindi naman kasi kailangang magpaalam ni Heart sa asawa pagdating sa kilig moments sa series. Eh, kung ‘yung seksi at malandi niyang role sa My Juan Happy Love Story with Dennis Trillo, pinanonood ng asawa, what more itong bago niyang show na harmless naman ang ginagawa niya?

Anyway, matapos magpasabog ng kilig sa iba’t ibang lugar sa bansa, ngayong hapon ay sa Robinson’s Place sa Malolos magbibigay ng kilig sina Heart at Alexander na special guests sa Giant Christmas Tree Lighting ng deparment store, 6 p.m. Makakasama nila sina Iya Villania, Edgar Allan Guzman, Myke Solomon at Khaine de la Cruz.

Read more...