Pauleen sa pagkakaroon ng asawa’t anak: Best b-day gift ever!

BEST birthday gift kay Pauleen Luna-Sotto ang pagkakaroon ng sariling family. Kahapon, Nov. 10, ang kaarawan ni Poleng, ilang araw matapos isilang ang panganay nila ni Bossing na si Baby Talitha Maria Luna-Sotto.

Sa post kahapon sa Instagram ni Pauleen, may kuha si Vic na karga ang bagong silang na anak.

“God’s best. Thank you Lord for my family. Best birthday gift, ever!” caption ni Poleng.

Nangunguna ang BFF na si Pia Wurtzbach sa bumati kay Pauleen sa post niya. “Happy happy birthday!!! I love you! You’re so blessed! Congratulations!” saad ng beauty queen.

Read more...