Pagli-live in daw nina Matteo at Sarah sa condo ‘fake news’

WALANG katotohanan ang lumalabas na tsismis na nagli-live in na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

May nagkakalat kasi ng balita na lumayas na raw si Sarah sa bahay nila at nakatira na ngayon sa kanyang condo kasama si Matteo. Pilit kasing pinalalabas ng detractors ng singer-actress na ipinagpalit na ng dalaga ang kanyang magulang sa kanyang boyfriend.

Sa presscon ng next major concert ng aktor, titled “Hey Matteo”, sinabi nitong, “I think she’s a strong person. Why would she be affected?”

“Hindi siya nagko-condo, nasa bahay pa rin siya. Tsaka bakit mo ide-defend ang hindi naman totoo?” dagdag pa ng binata.

Samantala, todo na ang paghahanda ni Matteo sa kanyang concert na gaganapin sa Kia Teather sa Nov. 30 with guests Kiana Valenciano, Morisette and rapper Loonie. This is under Big Bang Productions with Rowell Santiago as over-all director and Louie Ocampo bilang musical director.

For tickets, call lang kayo sa Ticketnet (911-5555) o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.

Read more...