3 komedyante, matinee idol sasabak sa Christmas Hugot Challenge

ILANG araw na lang, Pasko na! At may Pamaskong gimik at paandar ngayong Sabado si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Makakasama niya ngayong umaga ang baby comedian na si Boobay, ang star for no reason na si Ate Velma, internet sensation Ashley Rivera a.k.a Petra Mahalimuyak at ang Kapuso heartthrob na si Ivan Dorschner.

Abangan ang isang nakakaaliw na Christmas Carol Game at ang Christmas Hugot Challenge na pagdadaanan ng mga bisita ng Asia’s Songbird.

At dahil nangangamoy Pasko na, meron na ring homemade puto bumbong agad-agad!

Kaya tutukan lahat’ ‘yan at ibang nakakalokang sorpresa this Saturday morning sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila! Para sa mga gustong maki-Twitter party sa episode ng SD, gamitin ang hashtag #PamaskongGimikSarapDiva para mas bongga!

Read more...