SA ginanap na presscon para sa ikalawang yugto ng Pusong Ligaw, ay agad kinlaro ni Sofia Andres ang tsikang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga.
Nu’ng nakausap namin siya pagkatapos ng question and answer ay binanggit namin sa dalaga na halatang hindi sila okay ni Diego dahil masyado silang pormal sa isa’t isa bukod pa sa magkalayo ang kanilang upuan (kung ikukumpara sa launching ng PL noong Abril).
Bungad sa amin ni Sofia, “Ay talaga? Hindi, ganu’n lang po talaga kami.”
Sundot na tanong namin para hulihin siya, kung naka-move on na siya, “What do you mean?” balik-tanong ng dalaga na sinagot namin ng, “Alam na namin ang lahat.”
“No! We’re fine! Siguro they thought na we broke up kasi nga the issues, the people around, that’s why we hate talking about it kasi parang…we’re just really more mature right now,” parang natitigilang sagot sa amin ni Sofia.
Okay ba sila ni Diego sa set, “Okay naman po, we really have to be a team, no matter what happens, still a team.”
Read between the lines sa sagot ni Sofia na maski anong mangyari ay team sila na ibig sabihin ay kailangan nilang magtrabaho.
Nakisali na rin sa interbyuhan namin ang ilang TV crew at kasamahan sa panulat at natanong nga ang tungkol sa isyu na nakitang nanood ng sine si Diego na may kasamang ibang babae.
“I read that also, I think it’s not true but may nakakita, so I guess, ask Diego. Baka friend niya lang ‘yun or cousin niya, I don’t know,” alanganing sagot ng aktres.
Kung dati raw ay laging magkasamang lumalabas sina Vida at Potpot (mga karakter nila sa Pusong Ligaw) para mag-malling o manood ng sine, ngayon ay hindi na.
“Yes tita, before every TTHS lang, ngayon everyday na ang taping kasi naghahabol din kami for airing. So we need to rest kapag walang taping, I’d rather sleep na lang,” aniya.
Gaano kaimportante ang loyalty kay Sofia? “My God! I am loyal and honest about that. Siyempre you have to be true whoever you’re interacting with, family, friends (at special someone) kasi I know how it feels to be cheated on and I don’t wanna do that to anyone especially to my family and friends.”
Pag mahal naman ng dalaga ang isang tao ay binibigyan niya ng pagkakataon para magbago, “If you really love someone, you don’t just give up, there’s always a second chance, that’s how I am, eh. Ganu’n kasi po ako, pero kapag alam kong hindi na worth it to fight for, stop na.
“May hangganan naman po. How will I know if it’s not worth it? Pag niloko ka na talaga ng harap-harapan, that’s it!” katwiran ni Sofia.
***
Kahit ramdam naming may lamat na ang samahan nina Sofia at Diego ay open pa rin daw ang dalaga na makasama ang binata sa future projects, pero kung may iba ay okay lang din.
“I’m really open for everything kahit sinong loveteam basta, I have work, I love what I’m doing, I love being an actress, ‘yun naman po talaga ang importante,” saad niya.
Ano ang mababago kay Vida sa book 2 ng Pusong Ligaw. “I think Vida is more mature kasi when she’s saw Potpot, she’s already accepted na he’s changed, he’s a successful man. Parang she’s trying to see a new life with Rafa (Enzo Pineda),” tugon niya.
Si Enzo na ba ang ka-loveteam niya sa serye? “Opo, kami na,” nakangiting sabi ng dalaga. Hirit namin mas bagay sila ni Rafa. At tumawa nang malakas ang dalaga.
Habang kausap namin si Sofia ay wala pa raw silang alam sa buong istorya ng book 2 ng Pusong Ligaw, “Waiting pa what’s gonna happen, but we know kung ano ‘yung flow, but the exact story, we don’t know yet.”
Samantala, anong mas gusto ni Sofia award o box-office hit? “Box office, the award will follow,” napangiting sagot niya sa amin.
E, sa Pusong Ligaw ano ang mas importante, mataas na rating o ma-nominate at manalo bilang Best Actress? “Nominated as best actress and I’m after that ratings, yes I’m just being honest. Kasi gusto ko siyempre being an actress as in certified actress,” pag-amin nito.
May mga award na rin daw siya noong bata pa, “I want to strive for more.”
Certified single ngayon si Sofia, “I’m focus with my work and my dreams po, ang hirap (ng may boyfriend), hassle, eh.”
Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.