Pagiging umbagero raw ni DENNIS sa mga ex-dyowa gawa-gawa lang ng ‘SINDIKATO’ sa showbiz

MERON daw demolition job kay Dennis Trillo. Marami kasi ang nakakapuna na meron daw lumalabas na issue na kesyo inoombag daw nito Dennis ang mga past girlfriends niya.

Ang feeling tuloy ng fans ni Dennis ay merong isang kampo na hindi happy sa magandang rating ng latest show niya, ang My Husband’s Lover. Parang gusto kasi siyang ibagsak.

Sabi ng defenders ng actor, parehong palaban ang naging girlfriend ni Dennis at kung totoong dyinombag sila ng actor ay malamang na magreklamo sila ng physical abuse sa pulisya. But it never happened so hindi sila naniniwalang may violent streak ang Kapuso actor.

Ang suspetsa nila, Dennis’ detractors are making an issue para ibagsak ang career nito which started to pick up again dahil sa magandang review niya sa soap nila ni Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Ang daming pumuri sa acting ni Dennis sa My Husband’s Lover. Nuanced na nuanced ang kanyang acting at talagang minani lang niya ang kanyang role bilang gay lover ni Tom.

Actually, hangang-hanga ang televiewers sa ipinakitang sensitivity ni Dennis in acting out a gay role dahil hindi ito bastos and stereotypical. Talagang nag-shine siya  sa kanyang role sa nasabing soap.

Ang tanong nga ng marami, kung sa ABS-CBN daw ba ay merong makakaganap ng katulad ng portrayal ni Dennis? Araw-araw ay trending topic ang My Husband’s Lover, something which never happened in any soap opera sa aming pagkakatanda.

Kaya sa mga detractors ni Dennis, mamatay kayo sa inggit dahil mukhang ito ang bagong soap na aabangan mula umpisa hanggang sa huli. Teka, mag-watch din kaya ang isang beking staff ng isang network na sobrang na-in love sa actor to the point na parang ang feeling niya ay pag-aari niya si Dennis?
Naku, ‘te, ayaw ni Dennis ng mukhang sandok!

Read more...