Yumaong male celebrity 'nabuhay' sa katauhan ni Ken: Idol ko talaga siya! | Bandera

Yumaong male celebrity ‘nabuhay’ sa katauhan ni Ken: Idol ko talaga siya!

Reggee Bonoan |November 09,2017
facebook
share this

Yumaong male celebrity ‘nabuhay’ sa katauhan ni Ken: Idol ko talaga siya!

Reggee Bonoan - November 09, 2017 - 12:05 AM


HABANG pinanonood namin ang pelikulang “This Time I’ll Be Sweeter” nina Ken Chan at Barbie Forteza ay napansin naming hawig ang aktor sa namayapang si Rico Yan mula sa pagngiti, chinito eyes, buhok, tindig, pagdadala ng damit at mapuputing ngipin.

Kaya sa cast party ng pelikula pagkatapos ng ginanap na premiere night ay tinanong namin si Ken kung may nagsabi na sa kanyang kahawig niya ang namayapang aktor.

“Ay opo, maraming nagsabi sa akin, in fact idol ko po siya, ginagaya ko nga po siya. Sobrang sarap sa pakiramdam talaga na maraming nagsasabi sa akin (na hawig ko siya),” sagot ng binata.

Sa edad na walo ay hinangaan na ni Ken si Rico kaya naman lahat pala ng projects ng huli ay sinubaybayan niya, “Opo, lahat ng pelikula niya pinanood ko, yung pelikula nila ni Claudine Barretto, ‘yung movie nila ni Judy Ann Santos. Idol ko siya talaga,” ani Ken.

Sana nga raw ay mabigyan siya ng pagkakataong i-remake ang mga nagawang pelikula ng idolo niya, “Ang gaganda ng movies niya, kahit isa lang, sobrang blessed na talaga, sana mabigyan ako ng chance.”

Nagustuhan ni Ken ang image noon ni Rico, “Sobrang wholesome po kasi ni Rico, kahit tipong hindi siya maghubad, napaka-charming pa rin niya.”

Anyway, nakakabingi ang hiyawan ng mga miyembro ng fans club nina Ken at Barbie kaya naman hindi na halos namin marinig ang dialogue ng mga bida sa “This Time I’ll Be Sweeter” produced by Regal Entertainment at GMA 7.

May kilig ang KenBie loveteam kaya siguro maganda ang mga ngiti ni Mother Lily Monteverde dahil positibo ang feedback sa bagong pelikula niya.

Hindi lang fans o supporters ng bawa’t artistang kasama sa pelikula ang nakitaan namin ng saya kundi maging ang mga magulang nila ay tuwang-tuwa dahil napanood nila ang kani-kanilang mga anak sa big screen.

Kaya hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Ken, “Sobrang saya ko, kasi first time ko pong mag-premiere night ng ganito and hindi ko in-expect na ganu’n na lang ‘yung suporta ng mga tao, mga fans namin ni Barbie.

“At first time rin naming mapanood kaya nu’ng nakita ko ‘yung movie, sobrang nakakatuwa, ‘yung mama’t papa ko nga po, umiyak pa, sobrang supportive nila, pati kapatid ko, nandiyan din. Talagang naiyak sila dahil hindi nila akalain na makakagawa ako ng pelikulang ganito tapos kasama pa si Barbie,” ani Ken.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palabas na ngayon ang “This Time I’ll Be Sweeter” sa direksyon ni Joel Lamangan. Kasama rin dito sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta, PJ Abellana, Fiona Yang, Rosalind Wee, Kaki Ramirez, Neil Ryan Sese, Jai Agpangan, Yayo Aguila at Ara Mina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending