Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstake Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Boni Serrano Ave., Brgy. Bagong Lipunan.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 33-15-30-36-09-34. Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang napanalunan sa main office ng PCSO.
Nanalo naman ng tig-P25,000 ang pitong mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P950 naman ang 550 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 11,181 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES