Seguridad ng manggagawa

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po si Jonathan de Guzman ng Brgy. Sapang, Sta. Barbara, Pangasinan. Palagi po akong nakasubaybay sa inyong pahayagan online. Matagal na rin akong empleyado sa government habang ang misis ko ay may maliit na negosyo.

Pero sa ngayon nagbabalak kami ng misis na magtayo ng construction company. Ano po ang dapat namin gawin? Kailangan po ba ng safety officer at mga kinakailangan gamit para sa kaligtasan ng aming mga kukuhaning manggagawa? Sana ay matulungan kami na masagot ang aking katanungan sa pamamagitan ng inyong column. Maraming salamat po at nawa’y ay mas marami pa kayong matulungan.

Jonathan de Guzman
Brgy Sapang,
Sta. Barbara,
Pangasinan

REPLY: Tama po na sa pagtatayo ng construction business ay kinakailangan ng safety officer
Bukod pa sa kailangan din ng personal protective equipment gaya ng hard hat, safety shoes, safety goggles, full body harness, kinakailangang matiyak ang kaligtasan ng mga workers sa hazard at administrative control para mabawasan po ang kanilang exposure.

Halimbawa po si construction worker ay aakyat sa isang high rise building na kanilang ginagawa, so kailangan talaga niya magkaroon ng full body harness kailangan maipaintindi sa ating mga workers na kailangan nila isuot nga safety gears, ‘yung iba po kasi hindi sinusuot at confident pa po sila sa kanilang kakayan magtrabaho sasabihin nila ay kaya ko na ‘yan magaling na ko magtrabaho. Iyon po ang nagiging dahilan ng aksidente ng mga workers
Kinakailangan maging mahigpit sa implimentasyon ang employer para sa kaligtasan ng kanilang mga workers

Ms. Dianne Joy Romero
Media and Communications Officer
Occupational and Safety and Health Center (OSHC)

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

 

Read more...