Mocha Uson nais ipatanggal ang Rappler sa MPC

MOCHA USON

IPINATATANGGAL ni Communications Assistant Secretary for social media Mocha Uson ang Rappler bilang miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC) at ilagay sa ilalim ng kanyang mandato.

“The undesigned, pursuant to her mandate for social media respectfully requests clarification on a member of the Malacanang Press Corp.(sic) Rappler, an online publication that has no counterpart print or broadcast arm is techincally considered social media. This should fall under the rules on accredidation administered by my office,” sabi ni Uson sa isang sulat kay Communications Secretary Martin Andanar na may petsang Nobyembre 7, 2017.

Bago nito, nakaranas ng pangha-harass ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada sa blogger na si RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy matapos namang manawagan sa kanyang programa sa radyo na batuhin ang lady reporter ng hollow blocks.

Inaasahan namang maglalabas ng pahayag ang MPC, na isang organisasyon ng mga mamamahayag na nakatalaga sa Malacanang.

Ang MPC ang siyang nagbibigay ng akreditasyon sa mga miyembro nito at hindi ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ni Andanar.

Read more...