ROCKER na rocker ang peg ng Kapamilya actor-singer-athlete na si Matteo Guidicelli sa grand presscon para sa major concert niyang “Hey Matteo”.
Nagpakitang-gilas ang binata sa harap ng entertainment media kung saan kinanta niya ang ilan sa mga original songs sa kanyang latest album titled “Hey”. At in fairness, pinatunayan ng boyfriend ni Sarah Geronimo na may karapatan din siyang mag-concert at magka-album nang bonggang-bongga.
Inamin naman ni Matteo na malaki ang impluwensya sa singing career niya si Sarah G. At nagpapasalamat siya sa kanyang girlfriend dahil mas nai-inspire siya ngayon na kumanta at karirin ang pagse-share ng kanyang music sa madlang pipol.
“Singing for me is freedom, honesty and telling your story. Singing and music will be the most natural, the most real, the most raw form of art,” ani Matteo na bigay na bigay sa kanyang pagiging rocker during the presscon.
At dahil nga sa image niyang ito bilang singer, may nakapagsabi na hindi imposibleng maraming girls ang makipag-flirt at humabol-habol sa kanya. Lapitin daw kasi ng mga babae ang mga tulad niyang rocker bukod pa sa pagiging hot triathlete.
Kaya ang tanong, hindi raw ba nagseselos si Sarah o may pagkakataon ba na pinag-awayan nila ang tungkol dito? Natawa muna si Matteo bago sumagot ng, “Alam naman ni Sarah and I believe din naman na kapag nagmamahal ako isa lang!”
Hindi na rin daw affected ang binata sa mga taong nagsasabing ginagamit lang niya si Sarah at hindi siya sincere sa pagmamahal niya sa dalaga. Kaya nga raw hindi sila nagsasama sa trabaho ni SG para maiwasan ang ganitong mga intriga.
“And hindi naman nila alam kung ano talaga yung mga nangyayari sa amin, wala naman sila kung nasaan kami. Kami ni Sarah ang nasa relationship, we know the truth and they can say whatever they want, basta kami, alam namin kung ano ang totoo,” pahayag ni Matteo.
Samantala, makakasama ni Matteo sa kanyang concert sina Kiana Valenciano, Morisette and rapper Loonie. This is under Big Bang Productions na siya ring nag-produce ng #MatteoMadeInCebu” last year. Magsisilbing concert director si Rowell Santiago habang musical director naman si Louie Ocampo.
This concert will tell Matteo’s story through songs that strike the perfect balance between a youthful vibe and the 90s sound na ang atake ay may pagka-pop rock. Ang ilan sa mga musical influence ni Matteo ay sina Bamboo, Kitchie Nadal at ang bandang Hale.
Sa Nov. 30 na ang “Hey Matteo”, 7:30 p.m. sa Kia Theater. For tickets, call lang kayo sa Ticketnet (911-5555) o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.