Jolina buntis sa ikalawang baby nila ni Mark: Kuya na po si Pele!!!
Reggee Bonoan - Bandera November 08, 2017 - 12:25 AM
BUNTIS sa ikalawang anak nila ni Mark Escueta ang singer-actress-TV host na si Jolina Magdangal.
Ito ang inanunsyo ni Jolens sa morning show na Magandang Buhay.
“Yes, 9 weeks na po ako at kuya na po si Pele. Thank you, Lord. Thank you talaga,” aniya.
Dagdag pa ng mommy ni Pele, “Sobrang pinag-pray po namin ito at saka sobrang saya ko para kay Pele, hindi lang para sa aming mag-asawa kung hindi para kay Pele. Two months na po mga kaibigan, thank you so much.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending