SETTING a good example sa mga kabataan at sa viewers ng La Luna Sangre, pinangunahan nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla ang La Luna Sangre bloodletting event na ginanap sa recently sa Philippine Red Cross headquarters.
This is organized by KDKN Solidarity fan club sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross. Hindi naman pinalagpas ni Kathryn ang tanong about cyberbullying.
“Para sa mga naba-bash, dati sinasabi ko lang tumahimik pero ngayon na aware na ako dito sa cyberbullying, sana mag-take sila ng stand,” say ni Kathryn.
Say naman ni Daniel, “Tama si Kathryn, na tatanungin ko sila kung bakit nila ginagawa ‘yun.”
“Couple with a good heart, hindi puro walwal at negativity…mula productions, kasama sa trabaho, kahit simpleng security guard ng Ignacia at fans nila puro mabubuting papuri maririnig mo sa dalawang ito.
Kahit marami bashers, blessed sila kasi mabait na mga bata,” said one KathNiel fan.
“Matagal na nilang ginagawa yan without media syempre kailangan aware ang mga tao dyan para makalikom ng maraming dugo sa nangangailangan,” said another faney.
“Bago pa ma-media yang foundation niya sa mga bingot eh matagal na siyang tumutulong. Hello. Maawain kasi yan si Kath, marami na siyang natulungan na nangangailangan,” papuri naman ng isang fan sa dalaga.