Rhian nahirapang pakisamahan si Zanjoe: Sobrang misteryoso niya!

NAHIRAPAN ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na kilalanin at pakisamahan ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo habang ginagawa ang una nilang pelikula together.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Fallback” ng CineKo Productions at Star Cinema. Sa presscon ng pelikula inamin ni Rhian na hindi niya alam kung paano niya makukuha ang loob ni Zanjoe.

“Napaka-mysterious niya. Hindi siya nagsasalita. Minsan kahit kinakausap ko, magbibigay siya ng one word answer,” chika ni Rhian nang makapanayam ng entertainment press.

At alam n’yo ba kung anong bagay ang nakapag-break ng ice sa pagitan nila? Ang paglalaro ng golf! “I asked him about golf and then he talked for a good 20 minutes. So he really likes golf. Siguro nakaka-relate lang ako dahil there are sports na I like to spend time away from work just for that.

“It’s important to you because it’s passion. Naka-relate ako na yung love niya for golf is like my love for racing,” sey pa ng dalaga.

“Later on, siguro dahil sa mga nangyayari sa mga eksena, magkukuwento na rin kami kung paano kami nakaka-relate sa mga character. Nu’ng pinaka-last day, that’s when I felt pa the closest to him.

“At nang natapos ‘yung movie, instant sepanx (separation anxiety) kasi medyo nanghinayang ako ng konti na kung kelan patapos na, doon pa kami naging tight,” dagdag pa ni Rhian.

Samantala, puring-puri naman ni Zanjoe si Rhian bilang leading lady, “Sobrang gaan niya katrabaho. Siyempre sa umpisa, kapaan pa kasi first time ko siya na-meet. Ang gaan, pinadali niya yung trabaho ko, ‘yung eksena, light man iyan or mabigat or romantic. Ang galing niya umarte.”

Siguradong maraming makaka-relate sa kuwento ng “Fallback” kung saan bibida ang karakter ni Rhian bilang si Michelle. Isa siyang location manager na malapit nang makipaghiwalay sa kanyang dyowa kaya naisipan niyang makipagkita sa kanyang ex, si Alvin (Zanjoe) para maging “fallback” niya.

Sasagutin ng pelikula kung tama bang magkaroon ng plan B o back-up plan ang isang tao kung alam niyang hindi na magwo-work ang kanyang current relationship o ipaglalaban pa rin ito para i-save ang relasyon.

“Fallback” is written and directed by Jason Paul Laxamana na siya ring nasa likod ng “The Third Party” at “100 Tula Para Kay Stella”. Ipalalabas na ito sa mga sinehan sa Nov. 15. Kasama rin dito sina Daniel Matsunaga, Tetchie Agbayani, Ricky Davao, Marlo Mortel, Cai Cortez at marami pang iba.

 

Read more...