Nangangarap yumaman (2)

Sulat mula kay Winnie ng Luyag, Carmen, Cebu City
Problema:
1. Maliit na bata pa lang ako ay pangarap ko ng yumaman, kaya naman nagsikap akong makatapos ng kolehiyo sa sarili kong kayod. Ang problema ng nag-asawa na ako, ay nakapangasawa ako ng isang lalaking walang pangarap at iresponsable sa buhay. Sa ngayon nagta-trabaho ko sa isang pawnshop habang walang permanenteng trabaho ang mister ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa buhay ko kung paano ko maitataguyod sa kolehiyo ang aming mga anak.
2. Sana malaman ko kung sa ganitong uri ng aming buhay may pag-asa pa kaya kaming yumaman? Sa ngayon nag-aaplay ang mister ko sa abroad, hindi ko alam kung matutuloy siya. May 5, 1983 ang mister ko at January 8, 1984 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Winnie ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) at Taurus naman ang mister mo ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo. Kaya kung aalinsin mo na sa isipan mo ang mga negatibong paratang mo sa iyong asawa sa halip ay i- encourage mo siyang lumakas ang loob at bigyan mo siya ng “inspirational words” tulad ng naipaliwanag na, mas madaling mapapanuto ang inyong kabuhayan at ang inyong pamilya ay tuloy-tuloy na ngang uunlad.
Numerology:
Bukod sa compatible kayong mag-asawa sa Astrology kapansin-pansing tugma din ang birth date mong 8 sa birth date niyang 5. Ibig sabihin, kung babaguhin mo ang maling pananaw at paratang mo sa iyong msiter makapag-aabroad siya at ikaw naman ay makapagnenegosyo, hanggang sa tuluyang umunlad at yumaman ang inyong pamilya.
Graphology:
Samantala bahagyang pagbabago ang dapat mong gawin sa iyong lagda. Imbis na maikli ang “krokes sa tuktok ng letrang t” sa iyong aplido, habaan mo ang nasabing krokes. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ka nang uulad at aasenso.
Huling payo at paalala:
Winnie ayon sa iyong mga datos basta’t binago mo ang negatibong pananaw mo sa iyong asawa, at sa halp ay i-encourage mo siyang mag-sikap na makapag-abroad, yon ang kusang magaganap – makapangingibang bansa ang iyong mister sa susunod na taong 2018, habang ikaw naman ay makapagnenegosyo ng tinadahan, dahil sa dalawang paraang nabanggit, tulad ng inaasahan sa taon ding ito ng 2024, sa edad mong 40 at 41 naman si mister, magsisimula ng umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya hanggang sa tuloy-tuloy na rin kayong yumaman.

Read more...