56 pamilya nawalan ng bahay matapos ang malaking sunog sa Iloilo City

TINATAYANG 56 na pamilya o 224 indibidwal ang nawalan ng bahay matapos sumiklab ang napakalaking sunog sa Barangay Benedicto, Jaro District, Iloilo City kahapon.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Jaro District Gymnasium.
Tinatayang 68 bahay ang natupok, samantalang apat na iba pa ang napinsala matapos ang sunog na nagsimula ganap na alas-3:40 ng hapon, na idindeklarang kontrolado ganap na alas-4:35 ng hapon.
Aabot sa 105 pamilya o 461 na indibidwal ang apektado sa sunog, ayon sa ulat ng social welfare and development office ng lungsod ganap na alas-11 ng umaga.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Reynaldo Ledesma at kumalat sa City Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Aabot sa P4 na milyon ang halaga ng mga natupok na ari-arian, ayon sa CDRRMO.
Iniimbestigahan pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

Read more...