Ayon sa survey, 57 porsyento ang naniniwala na “Mga ilan sa mga Pangako” ni Duterte ang kanyang matutupad. Mas mataas ito sa 42 porsyento na naitala sa survey noong Marso at sa 40 porsyento na naitala noong Setyembre 2016.
Naniniwala naman ang 27 porsyento na matutupad ni Duterte ang karamihan sa mga pangako at walong porsyento ang naniniwala na lahat o halos lahat ay kanyang matutupad.
Ang naniniwala naman na halos wala o wala sa mga pangako ni Duterte ang matutupad ay anim na porsyento.
Sa Metro Manila naniniwala ang 60 porsyento na mga ilan sa mga pangako ni Duterte ang kanyang matutupad, 23 porsyento ang nagsabi na karamihan sa mga pangako ang matutupad, 9 porsyento ang lahat ng pangako at 7 porsyento ang wala o halos wala.
Sa iba pang bahagi ng Luzon, ang nagsabi na ilan ang matutupad ay 58 porsyento, 28 porsyento ang karamihan sa mga pangako, 6 porsyento ang lahat o halos lahat at 6 posyento ang wala o halos wala.
Sa Visayas, 59 porsyento ang nagsabi na matutupad niya ang ilan sa mga pangako, 21 porsyento ang karamihan, 10 ang halos lahat o lahat at 10 porsyento ang wala o halos wala.
Sa Mindanao, 54 porsyento ang nagsabi na ilan sa mga pangako ang matutupad, 32 porsyento ang karamihan, 10 porsyento ang halos lahat o lahat at 3 porsyento ang wala o halos wala.
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 23 hanggang 27 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
Mga pangako ni DU30 mapapako-SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...