Bar exams nagsimula na; 7,227 kumuha ng pagsusulit
NAGSIMULA na ang apat-na-linggong 2017 Bar Examinations kung saan umabot sa 7,227 ang mga nagnanais maging abogado, pinakamataas simula 2014.
Para sa 2017, umabot sa 7,270 ang nagsumite ng aplikasyon para makakakuha ng bar exams, bagamat 13 ang hindi naaprubahan.
Samantala, umurong naman ang 30 aplikante, dahilan para umabot sa 7,227 ang kabuuang bilang ng kukuha ng bar, mas mataas sa 6,831 noong isang taon.
Tatagal ang bar exams hanggang Nobyembre 26, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending