‘Ano na ba ang nangyayari kay Arnell Ignacio? Malapit na ba talaga ang second coming?’

ARNELL IGNACIO

PALALA nang palala ang mga personality na ina-appoint ni President Rodrigo Roa Duterte para magsilbi sa bansa natin. Puro mga character. Kung hindi bastos, mga dalahira ang bibig at di maingat sa mga pinagsasabi.

Mga mga usapang iyot, “put**** ina” at lahat ng kababawan at kawalang-galang sa Panginoon ay maririnig mo. Puro away ang gusto nila at ayaw nilang tumanggap ng mga kritisismo from anyone.

From mismong presidente mismo, sumasabay na sa dami ng tutuli natin ang sandamakmak na mura mula sa mga kabataan with matching dirty finger pa, hanggang sa mga pinaggagagawa ng assistants niya.

Nandiyan sina Alan Peter Cayetano, Martin Andanar, Bato dela Rosa, Mocha Uson, Harry Roque, Arnell Ignacio, who else? Isama na natin ang milyon-milyon nilang trolls na kulang na lang ay ibaon tayo sa lupa. Kaswal na lang sa kanila ang pagsasalita ng mga bastos na salita. Nakakapangilabot na. Ito na ba ang senyales ng SECOND COMING?

Arnell Ignacio is a dear friend of mine. Mahal ko ang taong iyan but since I can’t stand his obsession kay President Duterte even during the campaign period, binlock ko siya sa Facebook. What I kept lang is his phone number dahil magkaibigan nga kami. And he knows that. Nagkausap na kami and I told him about it and he understood naman.

Someone whispered to me na meron na naman daw aria si Arnell Ignacio sa social media. Grabe raw ang mga pinagsasabi nito, na kesyo dapat daw sa mga Dilawan ay ilagay sa isang separate island at doon daw magmisa si Soc Villegas every minute hanggang sa mapagod ang ngala-ngala nito. And instead na krus ang gamitin, bakit daw hindi ang mukha ni late President Cory Aquino ang pagdasalan nila. Etcetera, etcetera.

What happened to Arnell Ignacio? Ang pagkakilala ko riyan ay matalino and level-headed. Hindi ba’t sinuportahan pa natin siya when he run for QC Council before pero hindi nga lang siya nanalo? Kasi nga, we believed in his advocacy. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Ano ba itong napasukan nila as Duterte supporters, para na silang members ng KULTO. What’s happening sa bansa namin, Lord God? Is this a sign of the SECOND COMING? Nakakaloka sila!

Nakakatawa to a certain extent pero mas natatakot kami. Parang wala lang sa kanila ang gawing biro ang RAPE, ang hayagang pagpatay sa mga inosenteng kaluluwa in the guise of their war against drugs. Not to mention ang sobrang pagsipsip nina Dick Gordon, Tito Sotto, Manny Pacquiao with his Bible, Pantaleon Alvarez, Koko Pimentel, Migz Zubiri, among others sa Pangulo.

I don’t want to address them as senators na kasi nga they don’t deserve it. Nanliliit ako sa sobrang pagpapahalata nila as mga linta ng lipunan. Nananayo ang balahibo ko tuwing naririnig ko sila. Matagal pa ba ang four and a half years? Nakaka-stress na kasi sila, sobra!

Pero ang biggest disappointment namin ay itong si Arnelli na minahal namin nang buong-puso pero after reading his rant, I totally lost my respect sa kanya. I hope na maibalik namin ang respetong ito pagdating ng panahon. Ganoon ba iyon? Puwedeng ipagpalit ng isang tao ang kaniyang kaluluwa makapuwesto lang? Di ba ginagamitan ito ng isip at puso?

Obvious na obvious na silang karamihan sa sumasamba kay Pangulong Duterte na parang naging isa ang kulay nila, ‘no? Kung hindi sila mga warfreaks, mga saliwa ang takbo ng mga utak.

Hindi po kami kailanman nagmalinis, lahat naman tayo ay may mga putik sa mukha pero itong sa kanila is at its worst na yata. Parang sila na lang ang tama. Tingnan mo nga si Harry Roque upon accepting the Speakership – matinong tao ba ang magsasabing kung sinuman ang magki-criticize sa pangulo ay babatuhin niya ng hollow blocks na ikinatuwa naman ni Mocha Uson?

What the fuc**! Ayan tuloy, pati kami nahahawa na sa pagmumura na hindi naman namin nagagawa dati. Pero WTF talaga, di ba? Comedy bar na ba ang Pilipinas? Please enlighten all of us….please!!!!!

Read more...