Nakulam nga kaya? (2)

Sulat mula kay Ryan ng Sta. Maria, Treto, Agusan del Sur
Problema:
1. Nagtataka ako sa misis ko kung bakit simula ng magkasakit sa tiyan ay pabalik-balik na yon at hindi gumagaling marami na kaming doctor na napuntahan at ng pinatingnan ko sa albularyo ang sabi ay nakulam ang misis ko. Kaya kailangan daw palayasin ang mangkukulam na iyon na nananakit sa misis ko. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ng albularyo kaya madalas kaming mag-away ng misis ko kasi siya paniwalang-paniwala sa albularyo.
2. Ano po ba ang dapat kong gawin, sundin ko na lang ang sinasabi ng albularyo para matahimik na lang misis ko o muli ko siyang patingnan sa doctor? Sa palagay nyo totoo kayang nakulam ang misis ko at paano kaya siya gagaling ng husto? At saka baka may alam kayong orasyon pangontra sa kulam na maipagkakaloob. April 10, 1979 ang birthday ng misis ko.
Umaasa,
Ryan ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Aries (Illustration 2.) ng iyong misis ay nagsasabing ipasyal mo lang siya sa siyudad o sa masasayang lugar, makikita mo kusa ding mawawala ang iniindang panakit ng kanyang tiyan. At puwede din magpaaraw siya sa unang oras sa umaga, upang bumalik ang kanyang lakas at kasiglahan.
Numerology:
Samantala ang birth date na 10 ng misis mo ay nagsasabing siyam na sunod-sunod na gabi magdasal kayong dalawa na sana ay gumaling na ang kanyang karamdaman at pagkatapos, isunod ang ganitong orasyon: “EGOTE-VAUME-LAIBAUMI-IBSA-SEPINAMARUTIC-AMEN-AUM-AUM, SALVAME” habang pinapahiran mo ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo, ang bahagi ng katawan na nananakit. makikita mo kusa ng mawawalan ang pananakit ng kanyang tiyan.
Huling payo at paalala:
Ryan bukod sa nasabing orasyon at paraang tinuran na sa itaas, ang krusipiyo na walang tao ay isa ring mabisa na panlaban sa kulam. Pagsuutin mo nito ang iyong misis at habang sinusuot niya ang nasabing krusipiyo bigkasin ang orasyong: “Verbena, Hastata, Viam Monstra, Hasta Verbena Amen” Kapag nagawa iyan ng misis mo, makikita mo, nakulam man siya o hindi, dagli ng mawawala ang pananakit ng kanyang tiyan na akala mong siya ay nagdahilan lamang!

Read more...