Nakulam nga kaya?

Sulat mula kay Ryan ng Sta. Maria, Treto, Agusan del Sur
Dear Sri Greenfield,

Nagtataka ako sa misis ko kung bakit simula ng magkasakit sa tiyan ay pabalik-balik na yon at hindi gumagaling marami na kaming doctor na napuntahan at ng pinatingnan ko sa albularyo ang sabi ay nakulam ang misis ko. Kaya kailangan daw palayasin ang mangkukulam na iyon na nananakit sa misis ko. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ng albularyo kaya madalas kaming mag-away ng misis ko kasi siya paniwalang-paniwala sa albularyo. Ano po ba ang dapat kong gawin, sundin ko na lang ang sinasabi ng albularyo para matahimik na lang misis ko o muli ko siyang patingnan sa doctor? Sa palagay nyo totoo kayang nakulam ang misis ko at paano kaya siya gagaling ng husto? At saka baka may alam kayong orasyon pangontra sa kulam na maipagkakaloob. April 10, 1979 ang birthday ng misis ko.
Umaasa,
Ryan ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at malinaw naman ang Life Line ng iyong misis (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin anoman ang sakit ng misis mo sa ngayon bale wala lang iyan, darating ang panahong kusa ding gagaling kahit hindi mo ipagamot, maaari kasing “kabag lang, UTI o kaya’y acidic” ang tunay na dahilan ng kanyang karamdaman.
Cartomancy:
“Huwag mo ng patingnan kung kani-kaninong albularyo ang iyong misis dahil maaaring iyan pa ang kanyang ikapahamak”. Ito ang nais sabihin ng barahang Six of Spades, King of Clubs at Four of Hertas, sa halip, iwi ng iyong alaga, pagmamahal at kalingan, kusang gagaling si misis. Subalit kung nag-aalinlangan ka, maaaring muli mo siyang patingnan, hindi na sa albularyo kundi sa lehitimong doctor at pagkatapos tulad ng nasabi na, ikaw ang mismong mag-ala sa iyong asawa, para mas mabilis siyang gumaling.
Itutuloy…

Read more...