Overseas Filipino bank tutugon sa pangangailangan ng OFWs

Magandang Araw po sa yo Ms. Liza Soriano at sa inyong publication Inquirer Bandera.

Ako po ay isang household worker dito sa Middle East.

Matagal-tagal na rin po akong nagtratrabaho rito at nakapagpatapos na po ako ng college education ng anak ko na isa ng graduate ng Accounting.

Gusto ko pong mag put-up ng maliit na negosyo, ika nga ay maging “for good” ko sa sandaling umuwi ako sa Pilipinas.

Tubong Quezon Province po ako sa bayan ng Catanauan, 3rd District Bondoc Penensula.
Meron po akong pending application sa OWWA para sa small business, pero inabutan po ng aking pagbalik dito sa abroad.

Nabatid ko rin po na pwede na palang mag apply ng loan sa Overseas Bank na dating Postal Bank. Baka po matulungan ninyo ako na mapabilis ang loan application ko para pag-uwi ko po ay meron akong pagkakaabalahang hanapbuhay?

Maraming Salamat po. God Bless you and more power po sa column nyo.

Sincerely,
Edna Ballesteros-Abellanida
Saudi Arabia

REPLY: May programa para sa Reintegration na Cash or Business loan, or Micro- Financing na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive order No. 44 na nagbubuo ng Overseas Filipino Bank.
Inaprubahan ng pangulo ang pagbili ng Land Bank of the Philippines sa Philippine Postal Savings Bank na gagawing bangko para sa OFWs.

Nilalayon nito na makapagbigay ng financial services at aide base sa pangangailangan ng overseas Filipinos.

Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng dekalidad at maayos na foreign remittance service batay na rin sa nilagdaang EO ng pangulo.

Mas madali nang makakapag loan ang mga OFWs na nagnanais na magtayo ng kanilang negosyo sa bansa.

Ang OWWA ay may nakahandang programa sa mga OFW na nakatapos na ng kontrata o ayaw nang bumalik pa sa ibang bansa upang magtrabaho o iyong nagnanais nang mamalagi sa Pilipinas at magtayo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng Reintegration Program.

Sa ilalim ng Enhanced Entrepreneurial Development Training (EEDT) ng OWWA, nagkaroon ng memorandum of Understanding (MOU) ang ahensya at ang Department of Trade and Industry (DTI).
Dito, ang mga ahensiya ay magtutulungan para ibahagi sa OFWs ang kaalaman sa pagnenegosyo.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...