Julia pinakilig ang madlang pipol sa b-day message kay Coco

JULIA MONTES AT COCO MARTIN

“HI Co. happy, happy birthday. Enjoy your special day. I wish you all the best and good health dahil napaka-busy mo pero saludo kaming lahat ng mga nakatrabaho mo kasi napakabuti mong tao, napakagaling mong katrabaho at napakabait mong tao. 

“I’m so happy and very, very proud of you sa lahat ng mga achievements mo and of course sa lahat ng dreams na unti-unti mong natutupad. I know God will guide you, God will protect you and God give you more knowledge kasi pinapahalagahan mo at sine-share mo rin sa mga kasama mo at saksi ako doon sa talent na meron ka. Happy, happy birthday.”

That was Julia Montes’ birthday message kay Coco Martin sa isang video na ikinakilig ng marami.

“Napakaswerte ni Coco ke Julia. She’s young but super maalaga at responsible sa relationship nila.”

“Parehong mabait, I hope they end up together.”
“Sweet naman! Swerte ni Coco.”

q q q

Paigting nang paigting ang action scenes sa La Luna Sangre. Matapos mapatay ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) si Barang (Shamaine Centenera) sa isang maaksyong labanan, nagluksa naman si Samantha (Maricar Reyes-Poon).

Bongga rin ang fight scene ni Tristan (Daniel Padilla) kay Greta (Meryll Soriano) na naging kampon na ni Sandrino (Richard Gutierrez). Pinainom ni Sandrino ng dugo si Greta para mas lumakas ito.

Read more...