I-text kay Madam Sophia

Mula kay Anne ng …1413. Paano po ba magiging maligaya sa pag-ibig. Lagi po kasi akong bigo at iniiwan ng mga lalaki. Saan at kailan ko matatagpuan ang aking ka-soul mate?

Tugon ni Madam Sophia: Ang kaligayahan sa pag-ibig ay depende sa birthday. Nangyaring ganon, siyempre kung hindi mo ka-compatible ang iyong magiging boyfriend o mapapangasawa, posibleng magkahiwalay lang kayo dahil nga hindi ka maligaya sa kanya. Sa ganoong kadahilanan, madaling malalaman ang ka-soul mate na tinatawag sa pamamagitan ng Birth Chart.
Kung maaari mag-text ka uli, kasi nakalimutan mong itext ang kumpleto mong birthday, upang kapag may birthday ka na, malalaman natin sa pamamagitan ng birthday mo, kung sino ang tunay mong ka-soul mate.
>>>
Mula kay Maedelene P. Torres ng Malolos City, Bulacan. February 4, 1977 ang birthday ko. Ano po kaya ang future ko sa love life at sa work?

Tugon ni Madam Sophia: Ang mga Aquarius ay kusang sinusuwerte sa career at sa work, ang problema nga lang sa love life, kadalasan hindi naman sa malas, bagkus “sad at lonely sila”. Para lumigaya sa pag-ibig ang mga Aquarius lalo na at February 4, 1977 ang birthday, maghanap ka ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini at Libra na may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25 – siya ang mahalin mo upang habang buhay kang lumigaya.
Tulad ng nasabi na, sa career wala kang masyadong magiging problema, pero sa love life, hangga’t hindi mo natatagpuan ang nasabing mga lalaki, malabo kang lumigaya!

Read more...