Magiging boyfriend ba si Crush?

Sulat mula kay Andrea ng Bagbag, Novalihces, Quezon City
Dear Sir Greenfield,

Isinilang po ako noong May 7, 1999 at may ka-class mate po ako na isinilang noong September 11, 1991 na tawagin na lang nating Jacob. Lihim ko po siyang crush pero hindi ko po alam kung may crush din siya sa akin. Ang alam ko lang tuwing magka-klase kami ay lihim siyang nakatingin sa akin, at para hindi siya mahiya kunwari ay hindi ko na lang napapansin na tinitingnan niya ako. Mula noon nagkagusto na din po ako sa kanya. May chance kaya na maging kami at kapag nagkaroon kami ng relasyon, kami na kaya ang magkakatuluyan? Ni minsan po ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend, siya na kaya ang una at huling lalaking aking mamahalin?
Umaasa,
Andrea Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, malaki ang tsansa na kung sino ang unang lalaki na magiging boyfriend mo, malaki ang posibilidad na, siya na rin ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang simple at maligayang pamilya habang buhay.
Cartomancy:
King of Clubs, Two of Hearts, Nine of Hearts, (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing isa o dalawang buwan pa ang lilipas, matutupad ang iyong pangarap, liligawan ka at magiging boyfriend mo na rin sa wakas si crush.
Itutuloy…

Read more...