Tinanong ng mga respondents kung pabor sila sa tanong na: “Tama lang na bigyan ng perang pabuya ang mga pulis sa bawat napapatay nilang mga taong di-umano’y sangkot sa paggamit o pagbebenta ng mga illegal na droga.
Sumagot ang 65 porsyento na hindi sila pabor (45 porsyentong lubos na hindi sumasang-ayon, at 19 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon) malayo sa 15 porsyentong sumasang-ayon (5 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 10 porsyentong medyo sumasang-ayon).
Ang undecided naman ay 20 porsyento.
Pinakamarami ang hindi sumasang-ayon sa National Capital Region (58 lubos na hindi sumasang-ayon, 16 na medyo hindi sumasang-ayon). Ang sumasang-ayon dito ay 5 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 10 porsyentong medyo.
Sumunod ang iba pang bahagi ng Luzon (48 lubos na hindi sumasang-ayon, 21 na medyo hindi sumasang-ayon). Ang sumasang-ayon ay 11 porsyento (3 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 8 porsyento na medyo).
Sa Visayas ang hindi pabor ay 59 porsyento (45 lubos na hindi sumasang-ayon, 14 na medyo hindi sumasang-ayon). Mayroon itong tig-10 porsyentong lubos at medyo sumasang-ayon.
Sa Mindanao ang hindi pabor ay 56 porsyento (37 lubos na hindi sumasang-ayon, 19 na medyo hindi sumasang-ayon). Mayroon ting 5 porsyentong lubos at 12 porsyentong medyo sumasang-ayon.
Samantala sa tanong kung hindi na maaaring magbago ang mga adik, 51 porsyento ang hindi pumabor (28 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 23 porsyentong medyo sumasang-ayon).
Pabor naman sa test statement na hindi na magbabago ang mga adik at sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang 28 porsyento (13 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 15 porsyentong medyo sumasang-ayon).
Ang undecided ay 20 porsyento.
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
MOST READ
LATEST STORIES