Anak di maamin sa pakakasalan

DEAR Ateng Beth,

Masaya po ako sa boyfriend ko of three years. Sa tagal naming mag-on, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na may anak na ako. Ang anak ko po ay alaga ng mama ko at nasa Laguna.

Ngayon po ang problema ko ay nagyayaya na siyang pakasal kami pero hindi ko malaman kung kailan ko sasabihin sa kanya ang sikreto ko.

Ayaw ko namang malaman niya ito sa panahong nakasal na kami dahil baka isipin niya niloko ko siya.

Kung ngayon ko po naman sasabihin, natatakot ako na baka iwan niya ako.

Anong gagawin ko Ateng Beth, medyo malapit na po ang kasal namin at naghahanda na kami para rito. Payuhan n’yo po sana ako para di na malito.
Miss Litong-lito

 

Miss Litong-lito ka pa nang lagay na yan ha? Petmalu!

Malapit na yung kasal nyo at naghahanda na kayo….pero hanggang ngayon ay litong-lito ka pa rin kamo.

Dapat ipinangalan mo sa sarili mo Miss Eng-eng.

Kung hindi ka pala eng-eng, sana ay naisip mo na noon pa man na kapag nalaman niya yung sikreto mo pag kasal na kayo ay posibleng isipin niyang niloloko mo siya. Hindi pa ba panloloko yung ginawa mo?

Tatlong taon na kayong mag-on pero ni hindi mo man lang nasabi na may anak ka na pala. Panloloko ang tawag don, baka hindi mo alam.

Sabihin mo na lang sa boypren mo na yung bata ay anak ng nanay mo sa pagkalola! O di ba nakakalito?!

Kaya Ms Eng eng, este Litong-lito, sabihin mo na sa kanya pagkabasa mo nito, ang katotohanan para magbago man ang isip nya ay may panahon pa siya, kaysa ma-trap siya sa sitwasyong wala na siyang lalabasan.

Mahirap makipagsapalaran sa pwedeng maging resulta nito pero mas maige na yung alam ninyo pareho ang totoo.

You need to face the consequence of not telling him the truth the soon you became a couple. O kaya noong nanliligaw pa siya.

Dalawa ang pwedeng mangyari-tanggapin ka pa rin niya kahit may pagkukulang ka dahil labis ka niyang mahal at iibigin ka sakabila ng iyong nakaraan. O kaya naman ay kakalas siya sa relasyon ninyo dahil sa una pa lang you have breached the trust. Maaari siyang mag-isip na dapat ka bang pagkatiwalaan pa?

Kung siya ay pakakasal sa yo, at least sariling pagpipili ni boypren kung tatanggapin ka nya. Kung hindi, oh well, at least di ka na trap sa pagpapaniwala sa kanya ng isang bagay na pwede nya naman matanggap sana.

At any rate, honesty is the best policy pa rin, miss eng eng….ay! miss litong lito pala…

Read more...