Makapagi-immigrant ba sa Canada? (2) | Bandera

Makapagi-immigrant ba sa Canada? (2)

Joseph Greenfield - June 17, 2013 - 01:32 PM

Sulat mula kay Nestor ng Calagundina, Mati,
Davao Oriental
Problema:
1.      Matagal na naming pangarap ng misis ko na makapag-immigrant sa Canada, kaya naman sumubok kaming mag-aplay, kahit na may trabaho naman kami sa ngayon, kaya lang maliit ang aming kinikita. Sa ngayon may tumutulong naman sa amin, yong pinsan ko na matagal ng naninirahan duon ang kanilang pamilya.
2.      Naisipan ko lang pong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba kaming matuloy ngayong taong ito ng 2013. Kumpleto na po kami ng mga papeles at requirement interview na lang po ang hinihintay namin. July 2, 1969 ang birthday ko at September 10, 1974 naman ang misis ko.
Umaasa,
Nestor ng Davao Oriental    
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo ang nagsasabing kapwa nga kayo suwerteng
mag-asawa sa paninirahan sa ibang bansa, higit lalo kung ang isa sa inyong mga anak ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn.
Numerology:
Ang birth date mong 2 at 10 naman si misis ay nagsasabing sa taon ito ng 2013, sa edad mong 43 pataas, at 39 naman si misis, tiyak ang magaganap, susuwertehin ka ng maka-alis papuntang Canada.
Graphology:
Ang pag-aanalisang tiyak na makapagka-Canada ka ay madali namang kinumpirma ng lagda mong umaangat paitaas. Tanda na sa panahon ngayon nasasagap na ng unconscious mong isipan ang magaganap – ang makasakay sa eroplano upang ganap na ngang makapanirahan sa ibayong dagat.

 Huling payo at paalala:

Nestor ayon sa inyong kapalaran, kung babae ang pinsan mong tumulong sa  inyo upang matupad ang pangarap niyong makapag-Canada, nakatakda na ang mangyari ngayong taon ding ito ng 2013, sa buwan ng Nobiyembre hanggang Disyembre sa edad mong 44 pataas, makaka-alis ka na, upang paglipas pa ng ilang panahon, sa taong 2014 hanggang 2015 ang buong pamilya naman ang samasama ng makapanirahan sa bansang Canada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending