Asunto vs 6 sundalo na nagnanakaw sa Marawi

NAHAHARAP sa court martial ang anim na sundalo, kabilang ang isang opisyal, na nagnakaw umano sa mga bahay sa simula ng gera sa Marawi City.

Hindi naman kinilala ni Joint Task Force Ranao deputy commander Colonel Romeo Brawner ang anim na sundalo.

Ani Brawner, bago pa magsimula ang gulo sa Marawi ay pinaalalahanan na niya ang mga sundalo.

“We have already warned them not to loot. In fact, nakahuli na tayo ng ilang sundalo na nag-loot, nakasuhan na ito. Isang team ang nahuli,” aniya.
Sinabi ni Brawner na ipinabalik din naman sa mga ito sa mga bahay na kanilang pinasok ang mga ninakaw.
Kaaagad din umanong pinaalis sa Marawi City ang mga hindi tinukoy na sundalo.

Iniimbestigahan na ang mga ito at maaring maharap sa court martial, dagdag niya.
Sa ngayon ay nanatiling restricted to barracks ang nasabing mga sundalo.
Nangyari anya ang insidente noong una o ikalawang linggo ng bakbakan.
Tiniyak naman ng liderato ng militar na walang magaganap na whitewash sa kanilang gagawing imbestigasyon. —Radyo Inquire

Read more...