Anne nasa wedding ng 2 Korean superstar?

MAY kumalat na chika na kaya raw nasa Korea ngayon si Anne Curtis ay para umattend sa bonggang kasal ng Korean superstars na sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki.

Kahapon naganap ang wedding ng dalawang K-Drama stars na minahal ng mga Pinoy sa Koreanovelang Descendants Of The Sun.

Isang social media follower ni Anne ang nagtanong kung pupunta nga ang Kapamilya TV host-actress sa

nasabing wedding.
Tweet ni @ReahjeanRomo, “Hi ate anne ask ko lang po if true po ung usap usapan na invited ka po sa kasal ng songsong couple? Sana po manotice mo ito.”

Na sinagot naman ni Anne ng, “Absolutely NOT TRUE. Grabe. Hahahaa. Sa panaginip lang mangyayari un. Hahahaha!.”

Isa lang si Anne sa napakaraming Pinoy na adik na adik sa K-Drama. Super favorite niya ang Korean actor na si Gong Yoo na bumida naman sa blockbuster Korean movie na “Train To Busan”.

Read more...