DEDMA na sa nega ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Mas gusto niyang magpalaganap na lang ng good vibes sa buong universe kesa patulan ang mga taong patuloy na nangnenega sa kanya.
Ayon kay Tetay, sa kabila ng pamamahinga niya telebisyon, marami rin namang opportunities at projects ang dumating, at ito raw ang nagsilbing inspirasyon niya para mapaglabanan ang matinding depresyon.
“I think, kasi, I’m a single mom in her mid-40s. Of course, ang hirap to reinvent and I had to reinvent myself now. So, yes, there was a time when I was really feeling down,” sey ni Kris sa isang panayam.
Ibinahagi ng mommy nina Joshua at Bimby ang mga ginawa niya para hindi tuluyang mapatumpa ng depresyon at matinding kalungkutan,
“What I really did is that almost every day, nagsimba ako. I believe that you should also, number one, never stop praying.
“Two, hold on to your family and your closest friends because they’re not gonna leave you behind. Three, believe in yourself. Yun talaga, because there will be setbacks.
“It’s not possible that there won’t be setbacks. But the nicest thing about life is that, when you have faith, hindi ka pababayaan ni God,” aniya pa.
Sunud-sunod ang mga events ngayon ni Kris, kabilang na ang media confe-rence para sa dalawa niyang bagong endorsements. Patunay lang na siya pa rin ang itinuturing na queen of TV commercial. At sa mga susunod na araw, marami pa raw good news at pampa-good vibes ang ibabandera ni Kris.